Umaasa ang ilang opisyal ng gobyerno na magagampanan ng maayos ni incoming Vice President Sara Duterte-Carpio ang kaniyang tungkulin bilang bagong bise-presidente ng bansa.
Ayon kay Senator-elect Loren Legarda, hiling niyang dadalhin ni Duterte-Carpio ang brand of leadership nito sa Davao City patungo sa National Level.
Naging matagumpay aniya si Duterte-Carpio sa pagiging Alkalde ng Davao kung saan maraming proyekto ang naipatupad.
Naniniwala naman si Senator Bong Go na kaparehas lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak nitong si Inday Sara lalo na sa pag-prayoridad sa kapakanan ng mga mamamayan.
Samantala, proud si Senator ‘Bato’ Dela Rosa na isang dabawenya ang magiging susunod na bise-presidente ng bansa.
Nagpapasalamat naman si Tourism Secretary-Designate Lilion Mayor Maria Christina Frasco sa lahat ng sumusuporta kay Inday Sara.