Pinadadalo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mga opisyal ng pamalaan sa nakatakdang pakikipagpulong muli kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari.
Ito ang inihayag ni Senador Bong Go matapos kumpirmahing gaganapin ang panibagong pulong ng pangulo kay Misuari sa Disyembre 16.
Ayon kay Go, kabilang sa mga inatasan ng pangulo na makibahagi sa nakatakdang pulong sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at kinatawan ng Department of Justice at Foreign Affairs.
Inimbitahan din aniya ang mga personalidad na dumalo noon sa paglada ng kasunduan sa pagitan ng MNLF at Ramos Administration.
Magugunitang nitong Lunes, Nobyembre 11, lamang nagkapulong sina Pangulong Duterte at Misuari sa Malakanyang kung saan napagkasunduan ang pagbuo ng isang Peace Coordinating Committee sa pagitan ng pamahalaan at MNLF.