Tutulak patungong Kuwait, Qatar at Saudi Arabia ang ilang mga opisyal ng Department of Labor and Employment at Overseas Workers Welfare Association bukas.
Ito ay upang tiyakin ang lagay at sitwasyon ng mga OFW o Overseas Filipino Workers sa mga nasabing bansa kasunod na rin ng ipinatupad na deployment ban sa ng pamahalaan sa Kuwait.
Sa press conference sa DOLE, sinabi ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad, nangangamba silang naaapektuhan ang mga Pilipinong kasalukuyang nagtatrabaho sa Kuwait, Qatar at Saudi Arabia matapos ipatupad ang deployment ban.
Kanila rin aniyang titiyakin na napapatupad ang ilang kautusan ng Pangulo.
Dagdag ni Lagunzad, isang web base alert system din ang kanilang binubuo para makatulong sa mga OFW na posibleng biktima ng pang-aabuso.