Hindi na makontak ng mga senador ang isang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos ibunyag na tinamper nila ang expiration dates ng mga face shield na sinupply sa DOH nuong isang taon.
Ayon ito kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon sa gitna na rin aniya nang alok ng Senado ni Krizle Grace Mago para sa kanyang proteksyon.
Sinabi ni Gordon na hindi na makontak ng Blue Ribbon Committee si Mago na una na aniyang nagsabing pag iisipan ang alok na proteksyon ng Senado.