Ilang mataas na opisyal ng Philhealth Central at Regional Offices at 18 ospital ang kinasuhan ng NBI – Dagupan kaugnay sa iregularidad umano sa paggamit ng COVID-19 advances.
Kabilang sa kinasuhan ng NBI – Dagupan District Office sa Ombudsman sina dating Philhealth President Ricardo Morales at dating Regional Vice President Alberto Manduriao.
Dawit din ang Healthcare Delivery Management Division Chief, dati at kasalukuyang fiscal controller head ng fund management section at Senior Social Insurance Officer at iba pang Regional Officer.
Ilan naman sa mga ospital na inireklamo ang Balaoan District Hospital, Candon St. Martin De Porres Hospital, Ilocos Sur District Hospital-Magsingal, La Union Medical Center at Pangasinan Doctors Hospital.
Kasong paglabag sa national health insurance act of 2013, anti-graft and corrupt practices act; grave misconduct, gross dishonesty, gross negligence at conduct prejudicial to best interest of service ang kahaharapin Nina Morales.—sa panulat ni Drew Nacino
Napag-alaman ng NBI na nag-apply ng COVID-19 reimbursements sa ilalim ng interim reimbursement mechanism ang mga naturang ospital noon pang 2018, dalawang taon bago nagsimula ang pandemya.