Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ), ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, Bureau of Fire Protection (BFP) at ang may-ari ng Kentex Manufacturing, kaugnay sa sunog na ikinasawi ng 73 manggagawa.
Kabilang sa mga pinakakasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple pysical injuries sina:
• Terrence King Ong, Operations Manager ng Kentex
• Oscar Romero at Wilmer Arcenal, mga empleyado ng Ace Shutter Corporation, ang kumpanyang nag-wewelding nang maganap ang sunog;
• Rosalina Uy Ngo, ang may-ari ng Ace Shutter Corporation
• Ong King Guan at
• Beato Ang
Kasong paglabag sa Fire Code of the Philippines naman ang isasampa laban kina:
• Mayor Rex Gatchalian
• Atty. Renchi May Padayao, Officer-in-Charge ng Business Permit and Licensing Office ng Valenzuela City
• Eduardo Carreon, Licensing Officer IV ng Business Permit and Licensing Office ng Valenzuela City
• Fire Supt. Mel Jose Lagan, Valenzuela City Fire Marshal
• Fire Senior Insector Edgrover Oculam, hepe ng Fire Safety Enforcement Section of the Valenzuela City Fire Station at
• SFO2 Rolando Avendan, Fire Safety Inspector ng Valenzuela City Fire Station.
Maliban sa kasong paglabag sa Fire Code of the Philippines, mahaharap din sa kasong administratibo sina Gatchalian, Padayao, Carreon, Lagan at Avedan at Oculam.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)