Nilinis ng Sandiganbayan sa kasong graft ang ilang opisyal sa isang bayan sa Benguet na nag-ugat sa umano’y iregularidad sa pagbili ng P1M halaga ng insecticides at fungicides.
Batay sa desisyon ng 7th Division ng anti-graft court, walang nakitang sapat na basehan ang korte na magdidiin sa mga akusadong sina Buguias municipal treasurer Anecita Suyat, municipal accountant Marcelino Endi, at agricultural officer Asano Aban sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon sa korte, hindi sapat ang mga inilatag na ebidensya ng prosekusyon na magpapatunay na nabigyan ng unwarranted advantage ang PMB-Agro Goods and Services nang igawad dito ang kontrata noong 2004.
Una nang naabswelto si dating Mayor Apolinario Camsol nang pumanaw ito noong July 2019 o halos dalawang buwan matapos itong patawan ng suspensiyon ng Sandiganbayan habang nakaupo bilang provincial board member.