Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga appointee at ilang miyembro ng Hudikatura na iniimbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Kabilang sa mga pinangalanang opisyal ay sina Atty. Ambrosi Basman, Atty. Rohani Basman, Amisa Himlomontod, dating Marawi City Mayor Amelquer Macabando, Department of Justice o DOJ Prosecutor Atty. Samina Sampaco Macabando Usman, at Pasay City Officer-in-Charge Prosecutor Atty. Benjamin B. Lanto.
Nabanggit din ang pangalan nina inquest Prosecutor Clemente Villanueva, Assistant Prosecutor Florencio Dela Cruz, NAIA District Collector Ramon Angkilan, NAIA-CISS Director Adzar Albany, Butch Ledesma na nakatalaga sa NAIA at Customs Operations Officer Lomontod Macabanto.
Ayon kay Pangulong Duterte, sinuspinde na ang mga nabanggit na opisyal habang isinasagawa ang imbestigasyon ng Presidential Anti-Crime Corruption o PACC.
Kasabay nito, sinabi rin ng Pangulo na ipauubaya na niya sa Ombudsman ang trabaho upang matiyak ang pagiging patas at mismong ahensya ang maghain ng kaso sakaling mapatunayan na may kaugnayan sila sa katiwalian.
—-