Hinatulan ng Sandiganbayan ng anim hanggang sampung taong pagkakabilanggo ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng Philippine Sports Commission o PSC
Ito’y dahil sa kuwesyunableng pagbili umano ng PSC ng mga kagamitan ng Philippine cycling team para sa Southeast Asian o SEA games nuong 2007 na nagkakahalaga ng 2.3 Milyong Piso
Kabilang sa mga hinatulang makuling ng anti-graft court ay ang kasalukuyang deputy executive director ng PSC na si Cesar Pradas gayundin ang mga dating opisyal na sina Simeron Gabriel Rivera, Mariloy Catancio at Eduardo Clarissa
Dawit din sa kaso ang kumpaniyang Elixir Sports dahil bukod sa overpriced ang mga biniling produkto sa kanila, lumabas na hindi ito awtorisadong bidder sa nasabing transaksyon
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 7) Jill Resontoc