Isang maagang kalbaryo para sa mga mamamayan ang pagdanas ng ilang oras na brownout at water supply interruptions bago pa man sumapit ang Semana Santa.
Ito ang ipinahayag ni Senadora Grace Poe sa kanyang pagkadismaya sa naranasang rotational brownouts sa ilang lugar sa Luzon at kamakailangang water supply interruptions sa bahagi ng Metro Manila at Rizal.
Babala ng senadora sa mga power company, posible silang patawan ng multa kung mabigo sila na makapagbigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga kostumer.
Ito aniya ay nakasaad sa kondisyon ng bawat kontrata ng mga naturang kumpanya.