Malayo umano sa issue na sentro ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ang isiniwalat ni Senador Antonio Trillianes sa pagharap nina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Mans Carpio.
Ito ang inihayag ni Senate President Koko Pimentel makaraang sumentro sa tattoo sa likod ni Duterte ang tanong ni Trillianes.
Iginiit ni Pimentel na nasayang lang tuloy ang oras dahil sa walang kabuluhang tanong ng kapwa senador.
Samantala, inihayag naman ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na mahirap magbigay ng reaksyon sa mga alegasyon ni Trillanes na hindi naman suportado ng ebidensya.
Una ng iginiit ni Trillianes na ang tattoo sa likod ng bise alkalde ang magpapatunay na miyembro umano ito ng triad o sindikato.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE