Inilagay sa blacklist ng Estados Unidos ang ilang mga opisyal at organisasyon sa Iran dahil sa umano’y paglabag ng mga ito sa karapatang pantao.
Ayon kay Secretary of State Mike Pompeo, kabilang sa pinatawan ng sanction ang hukom na nagbaba ng sentensiyang bitay sa isang Iranian wrestler na si Navid Afkari.
Dagdag ni Pompeo, kabilang din sa naka-blacklist ang Adel Abad Prison, ang lugar kung saan napaulat na tinorture ng mga opisyal ng Iran ang nabanggit na wrestler.
Binitay si Afkari nitong unang linggo ng Setyembre matapos ma-convict dahil sa umano’y pananaksak at pagpatay sa isang security guard sa isang anti-government rally noong 2018.
Samantala, binanatan din ni Pompeo ang Iran dahil sa iligal na pagpapakulong sa tatlong Amerikano at tiniyak na kanilang gagawin ang lahat para maiuwi ang ito pabalik ng Amerika.