Nagkukulang na ang bilang ng mga nurse sa ilang ospital sa kamaynilaan.
Ayon kay Dr. Alfonso Nunez, Medical Center Chief ng ospital, bagama’t handa ang ilang pasilidad ng East Avenue Medical Center nagkukulang naman ang mga nurses na nag-aasikaso sa mga pasyente.
Dagdag ni Nunez, kailangan nilang mapunan ang kulang na 30 hanggang 35 nurses ngunit walang interesado mag-apply.
Aniya, tumaas na rin ang demand ng mga nurse sa labas ng ospital at ang iba ay nakakuha na ng trabaho sa iba’t ibang ahensya.
Bukod dito, maraming nurses na rin ang nagpopositibo sa mga ospital na isa sanhi kung saan lalong lumala ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Samantala, hinimok ng mga ospital ang publiko na patuloy na sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin