Naka-high alert na ang ilang ospital sa Metro Manila sa gitna ng hawaan ng COVID-19 delta variant.
Ayon kay Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, nasa 200 tawag na kada araw ang natatanggap ng one hospital command.
Kumpara anya ito sa 90 hanggang 100 tawag kada araw.
Sa kasalukuyan ay nasa moderate risk capacity pa ang ilang pagamutan tulad ng East Avenue Medical Center at Philippine General Hospital.
Nasa 71% nang okupado ang Intensive Care Unit ng East Ave habang nadoble na ang COVID-19 cases sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila sa nakalipas na dalawang linggo. —sa panulat ni Drew Nacino