Kasabay ng pagsirit ng kaso sa Metro Manila dahil sa mas nakahahawang Omicron variant, tumataas na rin ang kaso ng COVID-19 sa iba pang rehiyon.
Ayon sa Department of Health (DOH), inaasahan nilang magkakaroon din ng surge sa ibang rehiyon kaya’t pinaghahanda na nila ang mga provincial hospital.
Inihayag ni DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire na puspusan na ang vaccination atpagtukoy sa mga lugar na may mabagal na pagbabakuna.
Inaasahan anya nila na sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo ay ibang rehiyon naman ang makararanas ng COVID-19 surge kaya’t pinabibilisan na nila ang vaccination drive.
Bagaman kabilang sa mga nagsimula nang makaramdam ng pagtaasng COVID-19 cases ang Zamboanga Del Sur Medical Center at Perpetual Succour Hospital sa Cebu, kung saan labindalawang doktor na ang nagkasakit.
Sa Philippine General Hospital, bagaman nabawasan ang mga pasyente, halos 97% pa rin ang occupancy rate para sa COVID-19 patients.