Nagdeklara na ng tatlong araw na academic break ang Saint Louis University (SLU) sa Baguio City na magsisimula sa November 15 hanggang 17.
Matatandaang nanawagan ng break ang mga estudyante sa Baguio City dahil sa nararanasang pagod at stress na dulot ng pag-aaral.
Sa panahon ng break ay hinihikayat ang mga mag-aaral na “magpahinga, magmuni-muni, maglibang at maglaan ng kalidad na oras para sa pamilya at mga kaibigan.”
Maliban sa SLU ay nagpatupad rin ng academic break ang Benguet State University, University of the Cordilleras, University of Baguio, University of the Philippines Baguio, at Pines City College. —sa panulat ni Hya Ludivico