Nagsagawa ang ilang paaralan sa Metro Manila ng dry run sa pagpapatupad ng COVID-19 health protocols.
Ito’y bilang paghahanda sa pagbabalik ng face to face classes sa Lunes, August 22.
Sa Padre Jose Burgos Elementary School sa Manila, ilang mga guro ang nagturo sa mga estudyante ng mga step by step process ng COVID-19 health protocols bago pumasok sa paaralan.
Bago pumasok sa Entrance ng School, kinakailangan na mag-alcohol muna ang mga estudyante at saka didiretso sa Covered Court upang pumila ng may physical distancing para sa pagpasok sa kanilang mga silid-aralan.
Bago pumasok ng classrooms, maghuhugas ng kamay ang bata at ichi-check ang kanilang temperatura.
Ganito ring proseso ang isinagawang dry run ng mga Grade 1 at Grade 2 students ng San Rafael School sa Navotas City.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng Department of Education (DepEd) sa kahalagahan ng pagsunod sa health protocols.