Tatlong paaralan na sa Quezon City ang handang sumaklolo sa mga estudyante na apektado nang biglaang pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL).
Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bukas ang Trinity University of Asia, Thames International School at Quezon City University na tanggapin ang mga apektadong estudyante.
Nakikipag-ugnayan na rin anya ang pamahalaang lungsod sa iba pang eskwelahan.
Inihayag din ni Belmonte na aabot sa pitundaan labingpitong estudyante mula nursery hanggang grade 12 habang animnaraan limampu’t dalawa sa kolehiyo ang naapektuhan ng pagsasara ng CDSL.
Isandaan pitumpu’t dalawa anya sa mga college student ay ga-graduate pa naman ngayong school year.
Tiniyak din ng alkalde ang tulong para sa mga gurong nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng public employment and service office.