Ilang pabrika sa Valenzuela City ang ipinasara ng local government dahil sa paglabag sa Fire and Labor Regulations.
Kabilang sa mga unang nasampolan ay ang First Millennium Enterprises, na-supplier ng mga tsinelas at laundry bag sa mga hotel hotels na napag-alamang bagsak sa fire safety standards at snow point vinyl products, na gumagawa naman ng mga plastic pipe dahil sa kabiguang maglabas ng fire safety certificate.
Kapwa matatagpuan ang mga naturang factory sa Tatalon Street, Barangay Ugong kalapit lamang ng nasunog na pabrika ng tsinelas ng Kentex Manufacturing Corporation.
Samantala, mahigit 1,600 pang pabrika sa Valenzuela ang iinspeksyunin ng Department of Labor and Employment at Bureau of Fire Protection.
By Drew Nacino