Tinanggap ang ilang pag-amyenda sa mga patakaran ng Commission on Appointments.
Ayon kay Commission on Appointments Chairman at Senate President Koko Pimentel, papayagan na ang secret voting sa confirmation hearing upang maging mas malaya at hindi malagay sa alanganin ang mga boboto.
Paiikliin na rin, aniya, sa 24 oras ang pag-abiso sa mga nominee mula sa dating 3 araw na imbitasyon at hanggang tatlong beses lang sila maaaring sumalang bago desisyunan kung kukumpirmahin sila o hindi.
Sinabi rin ni Pimentel na magiging miyembro na ng lahat ng komite ng commission on appointments ang 17 senador.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno