Nagpulong na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa ikakasang mga pagbabago sa ikalawang presidential debate na gagawin sa Cebu City sa March 20.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, kinalap na nila lahat ang mga reaksyon sa naunang debate sa Cagayan de Oro City.
Kabilang aniya sa posibleng pagbabago ay pagdaragdag ng oras sa pagsasalita ng bawat kandidato.
Sinabi pa ni Bautista na itutuwid na rin ng ilang media partners na mangunguna sa ikalawang debate ang ilang puna bukod sa modernized panel debate na kanilang isasagawa.
Ilan sa mga punang nabigyang linaw ni Bautista ang pagkakaroon ng mahabang commercials kung saan aniya ay hindi masisisi ang carrying TV networks dahil sila lahat ang gagastos para sa nasabing presidential debate na muling isinagawa matapos ang 24 na taon.
By Judith Larino