Dinagsa ng mga mamimili ang ilang pamilihan sa Metro Manila bago ang pagsalubong sa taong 2022.
Karamihan sa mga binibili ng mga residente ay ang mga bilog na prutas at iba pang panghanda sa bisperas ng bagong taon.
Sa kabila nito, tiniyak ng Metro Manila lgus na nasusunod ang social distancing at tamang pagsusuot ng facemask.
Bukod pa dito, patuloy din ang pagpapatupad ng temperature check at contact tracing bago pumasok sa loob ng mga pamilihan. —sa panulat ni Angelica Doctolero