Napilitang lumikas ng kanilang tahanan ang ilang pamilya sa Isulan, Sultan Kudarat, matapos ang nangyaring pagbaha.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Isulan, karamihan sa pamilyang ito ang pansamantalang nananatili ngayon sa waiting shed matapos na umapaw ang Ala River dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Nagsasagawa na ngayon ng damage assessment ang local government ng Isulan sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha kasabay ng pamamahagi ng mga food packs sa mga evacuee.
Una nang sinabi ng PAGASA na ang nararanasang mga pag-ulan sa Southern Mindanao ay dulot ng intertropical convergence zone (ICZ).