Inihayag ng Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang basehan sa pagtanggal nila sa isa punto tatlong milyong pamilya sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ayon sa isinagawang survey, isa punto tatlong pamilya sa 50 milyong pamilya na kabilang sa 4Ps ay maituturing nang “graduate” o nakakaangat na.
Ayon kay Tulfo, tuloy-tuloy ang isinasagawa nilang paglilista upang matukoy kung sino ang graduate na at kung sino ang kailangan pang manatili sa 4Ps para mabigyan ng tyansa ang iba na matulungan din ng naturang programa. – sa panulat ni Hannah Oledan