Nasa bansa na ang ilan pang “fourth generation” trains na gagamitin para sa Light Rail Transit line 1 sa susunod na taon.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation President at CEO Juan Alfonso, 12 na mula sa 30 class 13000 trains galing Mexico at spain ang idineliver sa Pilipinas simula Enero.
Isasailalim anya ang mga ito sa safety acceptance testing at commissioning ng Spanish engineers.
Papalitan ng mga bagong tren ang first generation class 1000 trains na halos 40 taon ng bumibyahe.
Bukod sa PWD– friendly, mas mabilis ang mga fourth generation kumpara sa first generation trains na tatakbo rin sa papatapos nang LRT-1 Cavite extension project.—sa panulat ni Drew Nacino