Hindi na gagamitin ang ilang pangalan ng bigas simula sa Sabado, Oktubre 27 alinsunod sa kautusan ng Department of Agriculture (DA).
Kabilang sa mga ito ang sinandomeng, super angelica, yummy rice, dinorado at double diamond na tatawagin na lamang sa isang kategorya bilang special rice.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nagdudulot lamang ng kalituhan sa mga mamimili ang iba’t ibang pangalan ng bigas na maituturing na panloloko at “unfair trade practice.”
Kasabay nito, ipatutupad din ng DA ang suggested retail price sa bigas na 39 pesos kada kilo para sa regular milled rice habang 44 pesos sa kada kilo ng well-milled; 40 pesos pababa sa imported regular milled at 37 pesos pababa sa imported well-milled rice.
—-