Simula bukas hanggang Biyernes isasara ang mga kalsada mula at papunta sa Philippine International Convention Center o PICC kung saan gaganapin ang Asia Pacific Economic Cooperation Economic leaders meeting.
Batay sa inilabas na advisory ng Manila District Traffic Enforcement unit at Manila Traffic Parking Bureau, sarado mula 12:01 ng madaling araw mamaya hanggang 12:00 ng madaling araw sa Biyernes ang mga sumusunod na kalsada:
Ang buong kahabaan ng Roxas Boulevard North at Southbound Lane mula Katigbak hanggang P. Ocampo;
Buong kahabaan ng Roxas Boulevard service road mula Sta.Monica st. Hanggang p. Ocampo;
Ang kahabaan ng Quirino Ave., mula Roxas Blvd hanggang Adriatico;
Ang kalsada ng Century Park St. Mula Adriatico hanggang Mabini St.;
Ang buong stretch ng Mabini St. Mula P. Ocampo hanggang Quirino Ave.;
Ang Southbound lane ng Adriatico mula Quirino Ave. hanggang Century Park st.;
Ang kahabaan ng P. Ocampo mula adriatico hanggang Roxas blvd.;
Ang kalsada ng MH Del pilar St. Mula Sta. Monica st. Hanggang Malvar St.;
At ang buong stretch ng Pedro Gil St., mula Roxas blvd hanggang Mabini St.
By: Jonathan Andal