Naghahanda na ang ilang mga pantalan sa posibleng pagdagsa ng mga biyaherong uuwi ng probinsya sa nalalapit na undas.
Ayon kay Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, inaasahan niyang marami ang uuwi sa kani-kanilang lalawigan dahil sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila at mga probinsya.
Ayon naman kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Spokesperson Jason Salvador, aabot sa 60,000 pasahero kada araw ang posibleng bumyahe sa naturang pantalan para umuwi sa kanilang probinsya.
Samantala, nagtalaga na ng mga pulis sa quick reaction desk sa mga nasabing pantalan. —sa panulat ni Airiam Sancho