Inisa-isa ni House Majority at Leyte Representative Martin Romualdez ang mga panukalang batas na kanilang ipapasa bago ang session break sa Oktubre.
Ayon sa mambabatas, agaran nilang isasalang sa plenaryo ang ilang panukala upang maaprubahan na.
Kabilang dito ay ang salary standardization law, pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers at pagpapaliban ng May 2020 barangay at sanggunian kabataan elections sa May 2023.
Kasama rin ang panukalang pagbibigay ng free legal assistance sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala inaasahang maipapasa ang ilan pang mga priority bills bago mag adjourned ang kongreso sa Disyembre.