Bago mag-adjourn sine die ang sesyon ng Kongreso ngayong araw, ilang mahahalagang panukalang batas ang nakalusot na sa third and final reading.
Kabilang na rito ang Senate Bill 1449 o ang panukalang batas na naglalayong palawigin ng limang taon ang validity ng lahat ng professional at non-professional drivers license.
21 Senador ang bomoto ng Yes, walang nag-negative vote at wala ring nag-abstain sa naturang bill na inakda nina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Senators Richard Gordon, JV Ejercito at Joel Villanueva at inisponsoran ni Committee on Public Services Chairperson Grace Poe.
Lusot na rin sa third and final reading ang Senate Bill 1468 o ang panukalang batas na magpapalawak sa saklaw ng anti money laundering law kung saan sakop na nito ang casino industry.
21 Senador bomoto ng yes walang bomoto ng no at wala ding nag abstain sa bill na ito na inakda ni Sen Ralph Recto
Aprub na rin sa third and final reading ang panukalang batas na dodoble na sa chalk allowance ng mga pampublikong guro
Ito ay ang Senate Bill 812 o teaching supplies allowance act of 2017 kung saan sa ilalim nito, mula sa kasalukuyang P2,509 magiging P5,500 na ang chalk allowance ng mga public school teacher.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno