Nakatakdang pagbotohan ng House Committee On Constitutional Amendments ang ilang mga panukalang may kaugnayan sa Charter Change (Cha-Cha) sa Miyerkules.
Ayon kay Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez, chairman ng komite, tapos na ang serye ng mga public consultations na kanilang isinagawa sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Rodrigguez, partikular na kanilang dedesisyunan ay ang mga bersyon sa panukalang Cha-Cha na sinuportahan ng publiko batay sa mga ikinasang consultation at public hearing.
Kabilang aniya rito ang panukalang palitan ang probisyon na may kinalaman sa ekonomiya at maalis ang limitasyon sa mga dayuhan na magmay-ari ng lupa o negosyo sa Pilipinas.