Tiwala ang Malakaniyang na maaaprubahan ng Senado ang ilang panukalang priority ng administrasyon bago pa mag Christmas break.
Kabilang dito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang TRAIN o Tax Reform on Acceleration and Inclusion.
Gayundin aniya ang usapin ng martial law sa Mindanao.
Positibo si Roque na kaya ng Senado na matutukan ang mga naturang usapin dahil napag debatehan na ang mga ito sa mataas na kapulungan.
Kahapon lumusot sa Senado ang panukalang 2018 national budget at itinakda ngayong araw na ito ang bicameral conference committee meeting hinggil dito.