Kasado na ang ilang panuntunan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagbabalik-biyahe ng mga bus.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ilalaan nila ang kaliwang lane ng EDSA sa magkabilang bahagi para sa mga bus.
Magkakaroon rin anya ng 15 loading at unloading areas sa EDSA upang hindi kung saan-saan nagbababa at nagsasakay ang mga bus.
Kasama sa plano ng MMDA ang pagpapatupad ng modified coding scheme kung saan papayagang bumiyahe ang mga sasakyang sakop ng coding bastat hindi nag-iisa ang driver sa sasakyan.