Pamilyar ba kayo sa sakit na nasopharyngeal carcinoma?
Ito ay isang uri ng cancer na matatagpuan sa gitnang bahagi ng ulo, likod ng ilong at sa itaas ng lalamunan at mas kilala sa tawag na ‘canton o cantonese tumor’.
Ayon sa mga eksperto, mas mataas ang tyansang makuha ito kapag may famaily history ng nasabing sakit; pagkain mga maaalat na isda at exposure sa epstein-barr virus.
Ang ilan namang posibleng sintomas nito ay:
- Bukol sa leeg
- Dugo sa laway
- Dugo mula sa ilong
- Pagbabara ng ilong
- Pagkawala ng pandinig
- Madalas na impeksyon sa tainga
- Sakit sa lalamunan
- Sakit sa ulo.
Samantala, maiiwasan ang ganitong uri ng sakit basta’t iwasan ang kahit anong uri ng maaalat at burong pagkain at bawasan din ang de-lata o nakapreserba na pagkain.—sa panulat ni Kat Gonzales