Kaakibat ng pagtanda ang pagkulubot ng balat.
Paliwanag ng ilang eksperto, nababawasan na kasi ang paggawa ng collagen ng balat habang nagkaka-edad na kailangan para mapanatiling banat ang balat sa mukha na nagdudulot ng wrinkles.
Pero may ilan pa ring paraan para mapabagal ang pagkulubot ng balat.
- Iwasan ang pagbibilad sa araw dahil ang labis na pag-papaaraw ay nagdudulot ng freckles at maaaring magresulta ng skin cancer. Mas mainam na magpahid ng sunblock na may taglay na SPF 15 o 30.
- Huwag manigarilyo at iwasan ang pag-inom ng alak.
- Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang iyong balat.
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamins A, C, E at biotin.
- Mag-ehersisyo at iwasan ang stress. —sa panulat ni Abie Aliño