Dumagsa ang publiko sa ilang parke at pasyalan sa bansa kasabay ng unang Sabado matapos isailalim sa Alert level 1 sa Metro Manila.
Sa Luneta Park, sinamantala ng ibang bata at matatanda ang pamamasyal at panonood ng dancing fountain na isa sa pangunahing atraksyon sa nasabing pasyalan habang nagsasayaw at nag-e-ehersisyo.
Pero bago pumasok ng parke, nagsasagawa pa rin ng temperature check ang awtoridad.
Samantala, buhay na buhay naman ngayon ang Riverbanks sa lungsod ng Marikina sa mga taong namamasyal kung saan ilan sa mga ito ay sinusubukan ang bike rental para makaikot sa lugar.
Sinasamantala naman ng ilan ang pamimili ng murang bilihin sa mga bazaar at stalls na nakatayo sa Riverbanks.
Kasunod nito, laging paalala ng awtoridad na sumunod pa rin sa minimum health protocols para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.–-sa panulat ni Abie Aliño-Angeles