Nagdulot ng baha sa ilang parte ng Obando, Bulacan at Valenzuela City ang bumigay at nasirang dike at flood gate sa lugar.
Ayon kay Obando Municipal Engineer Elpidio Jesus Avena, dahil sa high tide ay bumigay ang ilalim ng Dam kasabay ng pagkabitin ng ravel concrete revetment.
Habang hinihintay ang pondo muna sa gobyerno, pansamantalang naglagay ng steel barrier ang Obando LGU at Valenzuela para maharang ang tubig na nagmumula sa Manila Bay.
Matibay naman ay malalim ang pagkakabaon ng inilagay nilang steel barrier kaya maiiwasan ang pagbuka sa ilalim nito.
Sa ngayon, nagdulot na ng malaking perwisyo sa mga residente ng Bulacan at Valenzuela ang nasirang dike lalo na sa mga bumibiyahe.