Sarado na simula kagabi ang ilang parte ng EDSA sa Quezon City at Caloocan para sa pagsasaayos at reblocking.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ibinase ang direktiba mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan sarado ang ilang kalye.
Kinabibilangan ito ng EDSA, mula sa Aurora Boulevard hanggang New york street, ikatlong lane mula sa sidewalk.
Sarado rin ang southbound lane bago ang benin street sa Caloocan.
Isasara ang nasabing kalye simula alas-11 kagabi at magbubukas alas-singko ng madaling-araw sa Lunes.
Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan na lamang sa alternatibong daan. —sa panulat ni Abby Malanday