Makararanas ng water interruption ngayong araw ang Quezon City, Marikina at Mandaluyong.
Batay sa abiso ng Manila Water, 6 hanggang 8 oras mawawalan ng tubig ang tatlong lungsod o mula alas-10 ng gabi ng October 27 hanggang alas-4 ng umaga ng October 28.
Ang mga lugar na mawawalan ng tubig sa Quezon City ay ang parte ng Barangay Duyan-Duyan; Claro; Quirino 3-A; Barangay Bagumbayan; Ugong Norte; at Barangay Bagong Lipunan ng Crame.
Ang Barangay Plainview; buong kalye ng Barangay Maysilo; at kanto ng Martinez hanggang Boni Avenue naman ang makararanas ng water interrution sa Mandaluyong City.
Samantala, sa Marikina City ang mga lugar na mawawalan ng tubig ay ang parte ng Marikina Heights partikular na ang General Ordonez Avenue; Champaca Street; Barangay nangka kasama na ang Balubad; F. Manalo; Kabayani Road; Banaba; Bayabas; Twin River Subdivision; at Camacho Phase 1 and 2.