Halos kalahati ng 134 na partylist groups sa bansa ang hindi naman kumakatawan sa marginalized sector na sinasabi nilang kinabibilangan ng kanilang grupo.
Ayon kay Professor Danny Arao, convenor ng grupong Kontra Daya, naging extension na rin ng political dynasty ang mga partylist groups.
Tinukoy ni Arao ang dalawang partylist groups kung saan nominado ang anak at dating asawa ni Cong. Pantaleon Alvarez.
“Through the years, yung Abono Partylist, ay nariyan parin, isa sa mga pinakamatagal ng dynasty ayon mismo sa pag-aaral ng ilang mga akademiko, yung mga taga La Union po yan, di po ba? Mga Estrella. Yun pong SVP dito sa QC ay pag-aari naman ng mga Belmonte, yung Serbisyo S Bayan Partylist. Syempre yung usapin ng special interest group, nandyan yung CWS, yung Construction Workers Solidarity diumano, pero mga malalaking negosyo po yung may-ari po niyan. “
Pinuna rin ni Arao ang Duterte youth partylist na anya’y kauna unahang partido na gumamit sa pangalan ng pangulo ng bansa.
Dapat anyang malaman ng publiko kung ano ang koneksyon nito sa National Youth Commission dahil pareho ng apelyido ang nominee at ang opisyal ng komisyon.
“Ito ay may direktang tie up sa National Youth Commission at yung chair, ay may apelidong “Cardema” tapos yung isa sa mga nominees ng Duterte Youth ay Cardema din. Atsaka interestingly, itong partylist na ito ang tanging partylist group na gumagamit na pangalang ‘Duterte’, syempre hindi natin alam kung ito ba ay para for propaganda recall to ensure that high popularity ratings of the president would grab off this partylist group or.. bakit? May permiso ba ni Duterte, halimbawa na gamitin yung pangalang ito. So, ito yung mga bagay na pinag aaralan dapat.”