Maraming pasahero sa Partas sa Pasay City ang duon na nag Pasko dahil sa pagkakansela ng kanilang byahe patungo sanang Occidental Mindoro.
Ito ay matapos ipagbawal ng Philippine Coast Guard ang paglalayag sa karagatan dahil sa bagyong Ursula.
Ayon sa pamunuan ng kumpanyang Partas, dalawang bus o katumbas ng mahigit 90 nila pa-Mindoro ang hindi makabiyahe simula pa nuong bisperas ng Pasko.
Sa ngayon nasa mahigit 40 pa-mindoro ang doon na natutulog at naghihintay sa terminal ng Partas dahil ilan sa mga kabilang sa mga istranded ang umuwi muna.