Ilang pasahero sa Manila North Port Harbor Terminal patungong Bacolod ang limang araw nang stranded matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa ulat, noon pang October 28 ang biyahe ng mga ito pero nadiskaril dahil sa bagyo kaya inilipat na lang sa November 4.
Dismayado naman ang karamihan sa mga pasahero lalo’t wala na silang sapat na salapi pabalik ng kanilang lalawigan at naubos na rin ang pagkain.
Sa ngayon, binigyan na ng DSWD ng food packs ang mga na-stranded na pasahero.