Ilang pasilidad ng Department of Health (DOH) sa Nueva Ecija ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Karding.
Sa situational briefing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inilatag ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang mga nasira kabilang ang nabasag na glass panes, napunit at tumutulong bubong sa drug rehabilitation center.
Naitala ito sa kanilang facility sa Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center na nagsisilbing covid-19 Quarantine Facility.
Tiniyak naman ni vergeire na naka-stand-by ang iba nilang mga ospital para sa emergency responses.