Ilang pasyente na tinamaan ng COVID-19 ang inabutan na ng kamatayan nang hindi man lamang nakatungtong ng ospital sa Kalibo, Aklan.
Ayon sa Kalibo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, punó na ang mga ospital kaya’t ilan sa mga COVID-19 patient ay namamatay na lamang sa mga ambulansyang nakapila sa labas.
Magtatagal ang mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine sa Aklan hanggang Agosto 15 habang patuloy ang pagtaas ng bagong COVID-19 cases na hinihinalang dulot ng delta variant.
Aabot na sa 95 ang namatay sa COVID-19 sa Aklan kabilang ang 78 mula sa kalibosa loob lamang ng dalawang linggo o simula Hulyo 20 hanggang Agosto 2.
Karamihan sa mga nasawi ay dinadala sa Gegato Abecia Funeral homes and crematory, kaisa-isang crematorium sa panay island sa Iloilo City.—sa panulat ni Drew Nacino