Buong pusong nagbigay ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng convalescent plasma matapos silang makarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa inilabas na abiso ng PCG, nagsimula ang ‘convalescent plasma donation drive’ sa Port Area sa Maynila nitong Lunes, ika-26 ng Abril hanggang ngayong hapon, ika-28 ng Abril.
Mababatid na layon ng naturang programa na hikayatin ang mga nakarekober sa COVID-19 na mga PCG personnel na tumulong sa pagpaparami ng suplay ng ‘convalescent plasma’ sa bansa.
ILANG PCG PERSONNEL, NAG-DONATE NG CONVALESCENT PLASMA MATAPOS GUMALING SA COVID-19https://t.co/yW1H8UvVOa#DOTrPH#CoastGuardPH#MaritimeSectorWorks pic.twitter.com/IODuaSpMnS
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) April 28, 2021
Bukod pa rito, hinikayat din ang pagdo-donate ng mga regular na dugo para makatulong sa iba pang mga pasyenteng nangangailan ng blood transfusion.