Ipinapa ampon na ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang ilan sa kanilang mga narcotic detection dogs.
Siyam na aso ng PDEA na may edad pitong taon ang pinagretiro na base sa kanilang performance sa pagtukoy ng illegal drugs at kundisyon ng kanilang kalusugan.
Ayon kay PDEA Spokesman Derrick Carreon, itinakda nila sa Mayo 3 ang “PDEA Adoption Day”.
Isa itong meet and greet para sa mga gustong mag ampon ng retirado nang aso ng PDEA sa kanilang k-9 unit facility sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Sinabi ni Carreon na dadaan sa screening ang mga gustong mag ampon upang malaman ang kanyang pinansyal na kakayahan para mag alaga ng narcotic detection dog at ang kanilang living condition.