Nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang pekeng ID mula sa ilang nagtangkang pumasok sa isla ng Boracay.
Ayon sa ulat, ilan sa mga nakumpiskang pekeng ID ay ipina-photocopy lamang at saka ipina-laminate.
Dahil sa insidente, mas lalo pang hinigpitan ng mga awtoridad ang pag-iinspeksyon sa mga ID ng mga nais pumasok sa isla.
Ang lehitimong ID ay ibinibigay ng pamahalaan para sa mga residente at ligal na mga trabahador sa Boracay.
Matatandaang a-bente sais ng Abril nang simulang ipasara ng pamahalaan ang Boracay para sa anim na buwang rehabilitasyon nito.