Nagsampa ng joint petition sa Central Visayas ang apat na labor groups at isang informal sector representative para sa taas-sahod sa lalawigan.
Layunin nitong itaas ang 308 pesos na minimum wage sa lalawigan at 1,500 buwanang sahod ng mga domestic helpers.
Ayon sa mga petitioners, dahil sa nagpapatuloy sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic, marami sa kanila ang wala nang choice kundi protektahan ang interes ng mga manggagawa.
Mula sa 386 pesos ng minimum wage, ipinanawagang itaas na ito ng 404 pesos.
Habang ang sahod ng mga domestic helpers ay dapat anilang itaas sa 3,000 hanggang 5,000 pesos. – sa panulat ni Abby Malanday