Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng PhilHealth.
Ito’y walang kaugnayan sa matunog na kontrobersiya na kinakaharap ngayon ng ahensya.
Batay sa inilabas na kautusan ni Ombudsman Samuel Martires, may ilang mga dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth ang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension.
Kinabibilangan ito nina Roy Ferrer na dating pinuno ng PhilHealth, Celestina Ma. Jude Dela Serna, Ruben John Basa, Dennis Mas, Shirley Domingo, Rodolfo Del Rosario, Raul Dominic Badilla, Israel Pargas, Angelito Grande, Lawrence Mijares at Leila Tuazon.
Ombudsman nagpataw ng 6-month suspension order vs. sa kasalukuyan at dating PhilHealth officials | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/52PROh8pWv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 19, 2020
Isinisilbi ang nasabing kautusan na nilagdaan ni Martires kahapon, ika-18 ng Agosto, kay PhilHealth President at CEO Ricardo Morales, gayun na rin kay Health Sec. Francisco Duque III para maipatupad na ito. —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)