Isasama na rin sa pilot run ng pediatric vaccination ang ilang piling vaccination sites sa Region 3 at 4-A.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, agad ipapamahagi ang dumating na bakuna ng Pfizer para sa nasabing age group.
Sa Pebrero7 hanggang 9magaganap ang itinakdang petsa para sa paglulunsad ng pediatric vaccinations.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa isang lugar sa Cotabato at isang regional ospital sa Davao City para sa pagpapalawig ng programa.
Pagsapit ng February 14, inaasahang maikakasa na sa buong bansa ang pediatric vaccination. —sa panulat ni Abby Malanday